Mga tutol sa BOL, pinayuhan ng Palasyo na tanggapin anuman ang maging resulta ng plebisito

By Chona Yu January 23, 2019 - 01:51 AM

Josephine Jaron Codilla’s Facebook photo

Pinayuhan ng Palasyo ng Malakanyang ang mga kritiko na tanggapin na lamang ang resulta ng plebisito ng Bangsamoro Organic Law (BOL).

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, wala namang choice ang mga tutol na sumunod kapag nanaig ang ‘yes’ vote sa plebisito sa BOL.

Ilan sa mga residente sa Cotabato, Isabela City sa Basilan at Sulu ang tutol na mapasama sa BOL na naglalayong magtatag ng Bangsamoro region.

Tiyak din aniya na matutuwa si Pangulong Rodrigo Duterte kapag napagtibay sa ratipikasyon ang BOL.

Hindi maikakaila, ayon kay Panelo, na matindi ang pangangampanya ng pangulo para maipasa ang BOL.

“If it will be passed, that means those covered by the region except those against like Cotabato and Sulu will be happy. But they do not have a choice. That’s the law, everyone has to toe the line,” pahayag ni Panelo.

TAGS: BOL, Palasyo ng Malakanyang, Pangulong Duterte, Sec. Salvador Panelo, BOL, Palasyo ng Malakanyang, Pangulong Duterte, Sec. Salvador Panelo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.