Duterte, nabahala sa 1 taong hindi pag-isyu ng US visa sa Pinoy workers
Hihirit ang Palasyo ng Malakanyang sa Amerika na irekonsidera ang naging desisyon ng United States Department of Homeland Security na ipatigil na muna ng isang taon ang pag-iisyu ng working visa sa mga Filipino na overstaying at may isyu ng human trafficking doon.
Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, nababahala si Pangulong Rodrigo Duterte sa desisyon ng Amerika.
Sa ngayon, sinabi ni Panelo na mas makabubuting hayaan na muna ang Department of Foreign Affairs (DFA) at US ambassador na mag-usap muna sa naturang isyu.
Kung itutuloy man aniya ng Amerika ang hindi pagbibigay ng visa sa Pinoy workers, may ibang bansa naman na maaring mapuntahan o mapagtrabahuan ng mga Filipino.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.