Duterte, inihayag na may sisibaking opisyal ng DAR

By Chona Yu January 23, 2019 - 01:36 AM

May sisipain na naman sa puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa talumpati ng pangulo sa annual assembly ng Provincial Union of Leaders Against Illegality sa Quezon Convention Center sa Lucena City, sinabi nito na dapat na maghanda na ngayon ang mga nasa land conversion office ng Department of Agrarian Reform (DAR) dahil sila na ang nakahanay sa mga sisibakin sa puwesto.

Banta pa ng pangulo, kakasuhan o papatayin na lamang niya ang mga tauhan sa land conversion office ng DAR.

Sangkot aniya sa corruption campaign ang mga tauhan ng DAR.

Samantala, sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni DAR Secretary John Castriciones na kanya pang aalamin kung sino ang mga sisibakin ng pangulo.

TAGS: DAR, Pangulong Duterte, DAR, Pangulong Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.