Pahayag ito ng pangulo matapos aprubahan ng House committee on Justice na ibaba sa siyam na taong gulang ang criminal liability ng mga bata mula sa kasalukuyang edad na 15 taong gulang.
Sa talumpati ng pangulo sa annual assembly ng Provincial Union of Leaders Against Illegality sa Quezon Convention Center sa Lucena City, sinabi nito na kamakailan lamang, 12 menor de edad ang nahuli ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa drug operation sa Navotas City na nag-eedad ng anim hanggang siyam na taong gulang lamang.
Matatandaang makailang beses nang sinabi ng pangulo na nais niyang amyendahan ang kasalukuyang Juvenile Act at ibaba ang edad ng criminal liability ng mga bata mula sa kasalukuyang 15 taong gulang.