Duterte, hiniritan ang mga kongresistang nangako ng P30M reward money sa Batocabe slay case

By Chona Yu January 23, 2019 - 01:21 AM

File photo

Kinantyawan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kongresista dahil hanggang ngayon ay hindi pa ibinibigay ang P30 milyong reward money para sa mga saksi na magtuturo sa mga suspek sa pagpatay kay Ako Bicol partylist Representative Rodel Batocabe.

Sa talumpati ng pangulo sa annual assembly ng Provincial Union of Leaders Against Illegality sa Quezon Convention Center sa Lucena City, sinabi nito na naibigay na niya sa mga witness ang P20 milyong reward subalit wala pa ang pangako ng mga kongresista na P30 milyon.

Inihambing pa ng pangulo ang mga kongresista sa mga boksingerong palaging nakasarado ang mga palad at hindi marunong magbukas para pakawalan ang pera.

Hindi rin kinagat ng pangulo ang katwiran ng mga kongresista iniimprinta pa ang pera.

Ibinida pa ng pangulo na agad niyang ibinigay ang kanyang P20 milyon matapos maaresto ang mga suspek sa pagpatay kay Batocabe.

Matatandaang nag-ambagan ang mga kongresista ng P30 milyon para sa reward sa pagkakahuli sa mga suspek sa pagpatay sa kanilang kasamahang si Batocabe. Dinagdagan ito ng pangulo ng P20 milyon.

TAGS: Batocabe slay, Congress, Pangulong Duterte, Batocabe slay, Congress, Pangulong Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.