Unang tinarget ng Comelec na ilabas ang official list ng mga kandidato bago ang January 23, kasabay ng simula ng imprenta ng mga balota sa ikatlong linggo ng Enero.
Ayon kay Comelec Chairman Sheriff Abas, ang listahan ng mga kwalipikadong kandidato ay ilalabas hindi sa Miyerkules pero sa loob pa rin ng linggong ito.
Unang deadline ng poll body noong December 15, 2018 pero hindi ito natuloy dahil may nireresolba pang mga disqualification cases.
Dagdag ni Abas, ang disqualification case laban kina dating Senafor Sergio Osmeña III at Senator Aquilino “Koko” Pimentel III ay nire-review pa ng Comelec Law division.
Sinabi pa ni Abas na nakaapekto sa paghahanda nila para sa halalan sa Mayo ang plebisito para sa Bangsamoro Organic Law.