Paglabas ng opisyal na listahan ng 2019 polls candidates, ipinagpaliban

By Len Montaño January 23, 2019 - 01:16 AM

Ipinagpaliban ng Commission on Elections (Comelec) ang paglalabas ng listahan ng mga opisyal na kandidato at imprenta ng mga balota para sa 2019 midterm elections.

Unang tinarget ng Comelec na ilabas ang official list ng mga kandidato bago ang January 23, kasabay ng simula ng imprenta ng mga balota sa ikatlong linggo ng Enero.

Ayon kay Comelec Chairman Sheriff Abas, ang listahan ng mga kwalipikadong kandidato ay ilalabas hindi sa Miyerkules pero sa loob pa rin ng linggong ito.

Unang deadline ng poll body noong December 15, 2018 pero hindi ito natuloy dahil may nireresolba pang mga disqualification cases.

Dagdag ni Abas, ang disqualification case laban kina dating Senafor Sergio Osmeña III at Senator Aquilino “Koko” Pimentel III ay nire-review pa ng Comelec Law division.

Sinabi pa ni Abas na nakaapekto sa paghahanda nila para sa halalan sa Mayo ang plebisito para sa Bangsamoro Organic Law.

TAGS: 2019 elections, Chairman Sheriff Abas, comelec, 2019 elections, Chairman Sheriff Abas, comelec

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.