DBM, hiningan ng komento ukol sa petisyon sa paglabas ng dagdag-sahod sa gov’t employees

By Len Montaño January 23, 2019 - 01:13 AM

Pinagkokomento ng Korte Suprema ang Department of Budget and Management (DBM) sa petisyon na inihain ni Camarines Sur 1st District Rep. Rolando Andaya Jr. ukol sa paglalabas ng ika-apat na bugso ng dagdag sweldo ng mga government employees.

Sa enbanc session araw ng Martes, nagdesisyon ang mga mahistrado na kunin muna ang panig ng DBM kaugnay ng dagdag benepisyo sa mga nagtatrabaho sa pamahalaan.

Sa petisyon ni Andaya na inihain noong Janaury 14, nanindigan ang kongresista na sa kabila ng delay o pagkabalam ng pagpasa sa 2019 national budget, pwede pa ring ilabas ng DBM ang huling bugso ng umento sa sahod ng government workers alinsunod sa Salary Standardization Law.

Nagdesisyon ang Supreme Court (SC) na ipagpaliban ang deliberasyon dahil walang nakitang dahilan ang mga mahistrado na agad aksyunan ang petisyon.

Dumulog si Andaya sa Korte Suprema matapos sabihin ni DBM Secretary Benjamin Diokno na hihintayin ng ehekutibo ang pag-apruba sa 2019 General Appropriations Act (GAA) sa Pebrero bago ilabas ang dagdag sweldo.

Pero sa kanyang petisyon ay iginiit ng kongresista na hindi pwedeng gamitin ng kalihim na excuse ang delay sa pagpasa ng pambansang pondo ngayong taon.

Binanggit ni Andaya ang dalawang pwedeng pagkunan ng pondo para sa umento, ang Miscellaneous Personnel Benefits Fund (MPBF) na nagkakahalaga ng mahigit P99 bilyon at ang savings o ipon dahil sa reenacted budget.

TAGS: dagdag-sweldo, DBM, government employees, korte suprema, Salary Standardization Law., dagdag-sweldo, DBM, government employees, korte suprema, Salary Standardization Law.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.