Panukalang “flexible” working hours ng mga empleyado, tatalakayin sa Senado

By Len Montaño January 23, 2019 - 01:06 AM

Nakatakdang talakayin sa plenaryo ng Senado ang panukalang batas sa “flexible” working hours ng mga empleyado.

Inindorso ni Senator Joel Villanueva ang Senate Bill No. 1571 o ang Alternative Working Arrangement bill para talakayin sa plenaryo.

Matapos ang deliberasyon at panukalang amyenda, pagbobotohan ng mga senador ang pag-apruba sa bill sa ikalawa at ikatlo at pinal na pagbasa.

Naniniwala si Villanueva, chairperson ng Senate committee on labor, na ang flexible working arrangement ay hindi lamang “fad” kundi isang pangangailangan.

Layon aniya ng panukala na amyendahan ang Article 83 ng Labor Code na naglilimita sa normal working hours sa walong oras kada araw sa loob ng limang araw.

Ang bill aniya ang magbibigay-daan sa mga empleyado at employers na magkaroon ng flexible working hours na parehong epektibo at pakikinabangan ng dalawang panig.

Sa ilalim ng panukala, hindi lalampas sa 48 oras kada linggo ang alternatibong oras ng trabaho at hindi dapat mabawasan ang umiiral ng mga benepisyo ng empleyado.

TAGS: Alternative Working Arrangement bill, Sen. Joel Villanueva, Senado, Alternative Working Arrangement bill, Sen. Joel Villanueva, Senado

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.