Klay Thompson, nakapagtala ng kaniyang bagong NBA record

By Angellic Jordan January 23, 2019 - 01:02 AM

AP photo

Nakapagtala si Golden State Warriors (GSW) shooting guard Klay Thompson ng sampung sunud-sunod na 3 pointers sa kanilang laban kontra sa Los Angeles Lakers.

Nakamit ni Thompson ang kaniyang bagong NBA record dahil sa mga ‘screen’ at ‘play’ kasama ang mga manlalaro sa GSW.

Ayon sa 28-anyos na manlalaro, mahirap magawa ang sampung sunud-sunod na 3 pointer sa loob ng isang basketball game.

Masaya aniya siya na nagawa ito sa harap ng kaniyang pamilya.

Nanalo ang GSW laban sa Lakers sa iskor na 130-111.

Dahil dito, nangunguna ang koponan sa standings ng NBA Western Conference.

Ito na rin ang kanilang ika-walong sunod na panalo.

TAGS: golden state warriors, Klay Thompson, NBA, golden state warriors, Klay Thompson, NBA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.