Sa Barangay San Bartolome, bumili ang isang pulis na nagpanggap na poseur-buyer sa mga suspek na si Victorino Figueroa alyas “Onyok,” 48-anyos, at isang kasabwat na si alyas “Pakner.”
Ayon kay Senior Supt. Rossel Cejas, si Figueroa lang ang sumipot sa operasyon at hindi kasama si alyas “Pakner.”
Dahil dito, si Figueroa lamang ang nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Patuloy namang binabantayan ng pulisya ang isa pang target na suspek.
Maliban sa buybust money at isang pakete ng hinihinalang shabu, nakumpiska pa ang karagdagang 12 pakete sa loob ng flashlight na pagmamay-ari ng suspek.
MOST READ
LATEST STORIES