France, nakaalerto dahil sa snowfall; Eiffel Tower, pansamantalang isinara

By Angellic Jordan January 22, 2019 - 10:31 PM

AP photo

Itinaas sa orange alert ang malaking bahagi ng bansang France dahil sa mapanganib na lebel ng nyebe at yelo.

Ang orange alert ay ikalawa sa pinakamataas na warning level pagdating sa nyebe at yelo.

Dahil dito, binalaan ng Meteo France, national weather agency ng France, ang publiko na iwasang lumabas sa kani-kanilang bahay.

Ayon pa sa ahensya, apektado ng snowfall ang 24 departamento sa northern at central France, maging ang bahagi ng Paris.

Sa Paris, mahigit limang sentimetro ng nyebe ang bumagsak sa araw ng Martes.

Dahil dito, pansamantalang isinara ang Eiffel Tower bilang precautionary measure.

Isinara rin ang isang major road sa Paris kung saan 2,000 na motorista ang naipit noong Pebrero ng nakaraang taon.

Pinayuhan ng ahensya ang publiko na tatagal ang snowfall hanggang sa araw ng Miyerkules.

TAGS: Eiffel Tower, France, orange alert, Snowfall, Eiffel Tower, France, orange alert, Snowfall

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.