Masaya at kakaibang pre-valentine show, tampok sa Resorts World Manila

By Den Macaranas January 22, 2019 - 09:42 PM

Kuha ni Richard Garcia

Isang kakaibang pre-valentine showcase ang handog sa inyo ng Resorts World Manila kung saan ay tampok ang isang major stand-up comedy show.

Ang “Trumperte ATBP” na pinangungnahan ng sikat na celebrity impersonator na si Jon Santos ay mapapanood sa The Newport Performing Arts sa Resorts World Manila sa February 13.

Sama-samang maaliw sa satirical live act kung saan ay tampok ang paggaya ni Jon sa ilang political figures.

Kabilang dito ang katauhan nina MACDonald Trump at Digong DutertHIRTY-HARI.

Tampok rin sa nasabing show sina eric Nicolas ang ang mahusay na si Marissa Sanchez.

Ibabalik ng grupo nina Jon ang mainit na political situation sa bansa sa mga nakaraang panahon sa pamamagitan ng katauhan nina Leila De Luna, Imelda at Ferdie McCoy.

Mula sa panulat nina Jon Santos at Enrico Santos ang “Trumperte ATBP” ay nagtatampok rin sa direksyon ni Michael Williams.

Kasabay ng pagtatanghal ng “Trumperte ATBP” ang pagdiriwang ni Jon Santos ng kanyang 30th year sa entertainment industry.

Mabibili ang tickets sa “Trumperte ATBP” sa Ticket World (www.ticketworld.com.ph), Resorts World Manila Box Office at sa Ground Floor ng Newport Mall.

Para sa iba pang detalye, tumawag lang sa (02) 908-8833.

TAGS: Jon Santos, pre-valentine show, resorts world manila, Trumperte ATBP, Jon Santos, pre-valentine show, resorts world manila, Trumperte ATBP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.