Honasan no-show sa pagdinig sa graft charge sa Sandigan

By Isa Avedaño-Umali January 22, 2019 - 06:09 PM

Radyo Inquirer

Nasimulan na ng Sandiganbayan ang pagdinig sa graft case na kinakaharap ni Senador Gringo Honasan.

Gayunman, no-show o hindi nakadalo si Honasan sa hearing na ginawa Martes ng umaga (January 22).

Dahil dito, itinakda ng Sandiganbayan sa January 28 at 29 ang susunod na pagdinig.

Dumalo naman sa trial ang mga testigo na sina Charlito Santos, license officer II ng Quezon City Business Permits and Licensing Office; at si Marissa Santos, ang Chief Administrative Officer ng Central Records Division ng Department of Budget and Management.

Ang kasong graft ni Honasan ay nag-ugat sa umano’y maling paggamit sa kanyang P29.1 Million na halaga ng Priority Development Assistance Fund o mas kilala bilang Pork Barrel noong 2012.

Batay sa prosekusyon, ang kanyang PDAF ay inilabas umano para sa National Council of Muslim Filipinos, at laan sa mga livelihood projects  para sa mga Muslim sa NCR at Zambales.

Gayunman, sa imbestigasyon ng prosekusyon, kwestyonable ang pagkaka-endorso ni Honasan sa kanyang PDAF sa Focus Development Goals Foundation, Inc. bilang implementing NGO, lalo’t hindi sumunod sa procurement regulations.

TAGS: graft, gringo honasan, PDAF, Sandigan, graft, gringo honasan, PDAF, Sandigan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.