UN special rapporteur pakialamera ayon sa Malacañang

By Chona Yu January 22, 2019 - 03:21 PM

Inquirer file photo

Binuweltahan ng Malacañang si United Nations Special Rapporteur Agnes Callamard.

Kaugnay ito sa pahayag ni Callamrd na na kakila kilabot, napakasama at labag sa international human rights law ang panukalang batas na ibaba siyam na taon ang minimum age of criminal responsibility.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, mas kahiya hiya si Callamard dahil sa pakikiaalam sa soberenya ng Pilipinas.

Wala aniyang business si Callamard para pakialaman ang trabaho ng kongreso ng Pilipinas o sa ehekutibo sa halip ay pakialaman ang kanyang sariling teritoryo.

Payo ni Panelo kay Callamard, bago bumanat o magsalita sa media alamin muna ang totoong detalye sa likod ng mga balita.

Palibhasa kasi ayon kay Panelo, ang pinakikinggan lamang ni Calllamard ay ang mga impormasyon na nanggaling sa taga oposisyon kung kaya hindi nagiging objective.

Potentially deadly aniya ang mga pahayag ni Callamard dahil hindi naman totoo na kakila kilabot ang panukala.

“Eh dapat pag-aralan niya, let them read the I’m not defending Congress what I’m saying is before you open your mouth, you better know your facts”, ayon pa sa kalihim.

TAGS: agnes callamrd, panelo, special rapporteur, United Nations, agnes callamrd, panelo, special rapporteur, United Nations

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.