Data breach sa Cebuana Lhuillier iniimbestigahan na rin ng BSP

By Den Macaranas January 22, 2019 - 03:18 PM

Inquirer file photo

Pumasok na rin ang Bangko Sentral ng Pilipinas sa imbestigasyon kaugnay sa ulat na nagkaroon ng breach sa personal information ng 900,000 na mga kliyente ng Cebuana Lhuillier.

Sinabi ng BSP na gusto nilang malaman ang puno’t dulo ng data breach at kung paano ito maiiwasan ng iba pang mga financial institutions.

Noong isang linggo ay naglabas ng advisory ang Cebuana sa kanilang mga kliyente.

Ito ay makaraang madiskubre na nag karoon ng hindi otorisadong downloading ang isa sa kanilang mga server ng data mula sa kanilang mga kliyente.

Kabilang sa mga impormasyon na nalantad sa nasabing online breach ay ang pangalan, edad, email addresses, mobile number at iba pang importanteng impormasyon ng halos ay 900,000 clients ng nasabing kumpanya.

Nauna dito ay nagsagawa rin ng kanilang hiwalay na imbestigasyon ang National Privacy Commission (NPC).

TAGS: Bangko Sentral ng Pilipinas, BUsiness, data breach, National Privacy Commission, Bangko Sentral ng Pilipinas, BUsiness, data breach, National Privacy Commission

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.