Pagpabor ng mayorya ng mga Muslim sa BOL sa SWS survey indikasyon na uhaw at gutom sila sa pagbabago sa Mindanao

Bilangan sa Notredame School, Brgy. Bus Bus, Jolo, Sulu | Comelec Photo

Patunay na uhaw at gutom ang Bangsamoro people sa kaunlaran sa Mindanao Region.

Pahayag ito ng Malakanyang matapos lumabas sa fourth quarter ng Social Weather Stations (SWS) na 79 percent sa mga Muslim sa buong bansa ang pabor sa pagpasa sa Bangsamoro Organic Law (BOL).

“The Bangsamoro people have enough of war, terrorism and poverty. They hunger for peace and thirst for development in Mindanao. The results of the latest survey conducted by Social Weather Stations (SWS) from December 16 to 19, 2018 indicate that 79% of Muslims nationwide favor the approval of the Bangsamoro Organic Law (BOL),” ayon kay Panelo.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, base sa initial unofficial result ng plebisito sa BOL, pinatotohanan nito ang survey ng SWS.

Umaasa aniya ang Palasyo na matutupad na ang minimithi ng mga Moro na magkaroon ng mapayapa at progresibong Bangsamoro Region kasunod ng pagkaratipika ng BOL.

“The initial unofficial tally of the votes in the plebiscite appears to validate the survey results. We hope that the aspiration of our Muslim brothers and sisters for a peaceful and progressive Bangsamoro region will commence its realization following the ratification of the BOL,” dagdag pa ni Panelo.

Read more...