2 patay, 1 sugatan sa sunog sa Dipolog City

By Dona Dominguez-Cargullo January 22, 2019 - 12:46 PM

Patay ang dalawang katao habang sugatan naman ang isa pa sa sunog na naganap sa Dipolog City, Martes (Jan. 22) ng madaling araw.

Kinilala ang nasawi na si Necita Velasco, 64 anyos at ang 13-anyos niyang pamangkin na si Angel Kesha Mae Velasco makaraang ma-trap sa nasusunog nilang bahay sa Barangay Gulayon.

Isa namang residente din sa nasunog na bahay ang nasugatan matapos magtamo ng mga paso sa braso at paa.

Sinabi ng caretaker ng bahay, malaki na ang apoy ng kaniya itong datnan kaya nahirapan na siyang tulungan ang mga amo dahil napapalibutan ng grills ang buong bahay.

Umabot lang saikalawang alarma ang sunog na naapula matapos ang mahigit 30 minuto.

Ayon kay Fire Officer 2 Alchester Progosu, nagsimula ang apoy sa sala ng bahay.

Hindi pa naman matukoy kung ano ang pinagmulan ng apoy.

Pero ayon kay Progosu, kabilang sa mga posibleng pinagmulan ng apoy ang isang cellphone na naiwang naka-charge.

Tinatayang nasa P150,000 ang pinsala ng sunog.

TAGS: Dipolog City, fire incident, Dipolog City, fire incident

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.