WATCH: 11-anyos na Fil-Am na si Angelica Hale nagtala ng kasaysayan sa America’s Got Talent
Nakapagtala ng kasaysayan sa America’s Got Talent ang 11-anyos na Filipino-American na si Angelica Hale.
Kabilang si Hale sa special season ng AGT na The Champions kung saan tampok ang mga napasama na sa finals ng AGT noong nagdaang seasons.
Si Hale ay second runner-up sa sa AGT season noong 2017.
Sa kaniyang performance, inawit ni Hale ang “Fight Song” ni Rachel Platten kung saan binigyan siya ng standing ovation ng audience at mga judge.
At dahil sobrang napahanga ay binigyan siya ng golden buzzer ng judge na si Howie Mandel.
Dahil dito, naitala ni Hale ang kasaysayan ang first two-time Golden Buzzer sa AGT.
Sa sobrang tuwa ay napaiyak si Hale at sinabing hindi niya inaasahan ang nangyari.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.