5 mayor na ‘missing-in-action’ sa paghagupit ng Bagyong Ompong mahaharap sa kaso – DILG

By Jong Manlapaz January 22, 2019 - 11:48 AM

File Photo | Erwin Aguilon

Matapos mapatunayan ng Department of Interior and Local Government (DILG) na wala ang kanilang presensya habang nananalasa ang Bagyong Ompong noong nakaraang taon, habang anim namang alkalde ang pinadalhan ng written admonition.

Ayon kay DILG Assistant Secretary and Spokesperson Jonathan Malaya base sa findings at recommendations ng DILG Central Office validation team, hindi katanggap-tanggap ang paliwanag ng limang mayor na nagpabaya sa kanilang tungkulin sa kasagsagan ng pagtama ng kalamidad sa kanilang lugar.

Habang ang anim na mayor ay personal magpapaliwanag kay DILG Sec. Edurado Año kung bakit wala sila sa kasagsagan ng Bagyong Ompong.

Sa 16 na mayors na inimbestigahan tanging isa lamang ang nakitang acceptable ang paliwanag kung bakit wala sa kanyang syudad dahil may kaso itong kinakaharap.

Habang apat pang mayor ang patuloy ang validation kung present sila sa panahon ng kalamidad o katanggap-tanggap ba ang kanilang paliwanag kung bakit wala sila sa kasagsagan ng Bagyong Ompong.

Una nang nagpalabas ang DILG ng show cause orders laban sa 16 na mayors mula Cagayan Valley at Cordillera Administrative Region, matapos makumpirma ng DILG na wala ang kanilang presensya habang nananalasa ang Bagyong Ompong.

TAGS: DILG, Typhoon Ompong, DILG, Typhoon Ompong

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.