Sumbawa Island sa Indonesia, niyanig ng magnitude 6.0 na lindol
By Dona Dominguez-Cargullo January 22, 2019 - 11:24 AM
Niyanig ng magnitude 6.0 na lindol ang Sumbawa Island sa Indonesia.
Ayon sa US Geological Survey, wala namang inilabas na tsunami warning dahil sa nasabing lindol.
Naitala ang lindol sa 219 kilometers south ng Raba sa east ng Sumbawa.
Unang itinala sa magnitude 6.1 ang lindol pero ibinaba ito kalaunan.
Wala namang naitalang pinsala bunsod ng naturang pagyanig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.