Pangulong Aquino, magtutungo sa Malaysia para sa Asean Summit

pnoyKasabay ng pag-alis sa bansa ng mga APEC economic leaders ngayong araw, lilipad din si Pangulong Benigno Aquino III para magtungo sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Si Pangulong Aquino ay dadalo sa Association of South East Asian Nation o ASEAN summit.

Kasunod ito ng katatapos na hosting ng Pilipinas ng Asia-Pacific Economic Cooperation o APEC summit ngayong taon sa Pilipinas.

Si Pangulong Aquino ay nakatakdang umalis mula sa Villamor Airbase ganap na alas 3:00 ng hapon sakay ng Philippine Airlines Flight 001.

Ngayong araw, nakatakda ding umalis papunta sa Malaysia para dumalo sa ASEAN ang mga ASEAN dialogue partners na kadadalo lang sa APEC kabilang ang mga lider ng Canada, Japan, US at Korea.

Kabilang sa inaasahang tatalakyin sa nasabing event ang isyu ng West Philippine Sea.

Nakatakdang bumalik ng bansa si Pangulong Aquino mula sa ASEAN summit sa darating na araw ng Linggo.

Read more...