4 arestado sa operasyon kontra illegal na droga sa QC

By Dona Dominguez-Cargullo January 22, 2019 - 08:59 AM

Arestado ang apat na katao sa operasyon kontra illegal na droga na ikinasa condominium sa Barangay Bagong Lipunan ng Crame sa Quezon City.

Target ng operasyon ng mga otoridad ang isang alyas Analyn na siyang nangungupahan sa nasabing condo unit.

Maliban kay Analyn naaresto din ang tatlo pa niyang kasamahan kabilang ang isang lalaki na umano ay kaniyang supplier.

Nakuha ng mga otoridad ang tinatayang nasa P200,000 halaga ng ilegal na droga at isang digital na timbangan.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

TAGS: Barangay Bagong Lipunan ng Crame s, quezon city, War on drugs, Barangay Bagong Lipunan ng Crame s, quezon city, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.