Pagtalakay sa Pederalismo ipinaubaya na ng Malakanyang sa mga kakandidato sa 2019 elections
Walang balak ang Palasyo ng Malakanyang na udyukan ang mga kakandidato sa darating na 2019 elections na gawing election issue ang Pederalismo.
Pahayag ito ng Palasyo matapos aminin na nadidismaya na si Pangulong Rodrigo Duterte sa mabagal na pag-usad ng Pederalismo sa Kongreso.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, ipauubaya na ng Malakanyang sa mga kandidato kung sa tingin nila ay interes o gusto ng mga botante na pag-usapan ang Pederalismo.
Paliwanag ni Panelo, walang control ang Malakanyang sa kung anong mga paksa ang ilalahad ng mga kandidato sa mga botante sa halalan.
Hindi anya panghihimasukan, igigiit o didiktahan ng Malakanyang ang mga kandidato na ibida ang pederalismo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.