3 patay sa magkakahiwalay na engkwentro sa Pampanga

By Dona Dominguez-Cargullo January 22, 2019 - 07:58 AM

Police banner

Patay ang tatlong katao kasama ang isang hinihinalang tulak ng droga sa magkakahiwalay na engkwentro na naganap sa Pampanga.

Sa Barangay San Juan Timac sa bayan ng San Simon, nasawi ang suspek na si Jeffrey Sioco makaraang manlaban sa mga pulis na nagkasa ng buy-bust operation laban sa kaniya.

Ayon kay Chief Insp. Louie Gonzaga, hepe ng San Simon police station, pinaputukan sila ng suspek nang makahalatang pulis ang kaniyang katransaksyon.

Nakuha mula kay Sioco ang pitong sachet ng hinihinalang shabu.

Sa Barangay Dela Paz Norte naman sa San Fernando, nauwi sa engkwentro ang pagharang ng mga otoridad sa isang suspek na tumakas sa checkpoint.

Ayon kay Supt. Levi Hope Basilio, hepe ng San Fernando police, tinakasan ni Alyas Junjun ang checkpoint dahilan para habulin siya ng mga pulis na nauwi na sa barilan.

Nakuha sa kaniya ang isang kalibre 38 na baril, isang granada, at 5 sachet ng shabu.

Sa Brgy. San Isidro naman sa bayan ng Magalang, patay din ang isang suspek na hinihinalang sangkot sa pagnanakaw ng motorsiklo.

Hindi rin huminto sa checkpoint ang suspek na positibo namang kinilala ng isa sa mga biktima na natangayan niya ng motorsiklo.

TAGS: encounter, Pampanga, police operations, encounter, Pampanga, police operations

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.