Bilangan para sa BOL plebiscite sa ilang lugar natapos na

Bilangan sa Notredame School, Brgy. Bus Bus, Jolo, Sulu | Comelec Photo

Natapos na ang pagbibilang sa ilang lugar na pinagdausan ng plebisito para sa ratipikasyon ng Bangsamoro Organic Law.

Ayon kay Commission on Elections spokesperson James Jimenez, 100 porsyento nang natapos ang bilangan sa Basilan, Sulu, Lanao Del Sur at Isabela City.

Sa Cotabato City naman, 81 percent na ang nabilang, 50 percent sa Maguindanao, at 44.31 percent sa Tawi-Tawi.

Lumitaw naman sa final at unofficial result sa Basilan City na mas marami ang bumotong “NO” sa pagsasama ng Isabela City, Basilan sa bubuing Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Sa isinagawang bilangan , 22,382 ang bumoto ng NO at 19,112 naman ang bumoto ng YES.

Read more...