Bagong ISIS video, nagbantang aatakehin ang White House
Naglabas ng panibagong video ang Islamic State militants at nagbabantang ang White House naman ang sunod na target na kanilang suicide bombings at car blasts.
Sa six-minute video na inilabas ng Islamic State fighters sa Iraq, sinabi rin ng grupo na magsasagawa pa sila ng mas marami pag-atake sa France.
Sa kabila nito, sinabi ni Federal Bureau of Investigation Director James Comey na wala silang natatanggap na anomang credible threat na may maglulunsad ng gaya ng “Paris attack” sa Estados Unidos.
Sinabi naman ni State Department spokesman John Kirby na pinag-aaralan nang mabuti ang video para matukoy kung lehitimo ito. “Everybody here in the United States government are taking these threats seriously,” ayon kay Kirby.
Wala naman pang inilalabas na reaksyon ang US Department of Homeland Security hinggil sa lumitaw na video.
Sa nasabing video, ipinakita muna ang news clips ng mga television station kaugnay sa Paris attacks at pagkatapos ay mayroong dalawang ISIS members na nagsalita.
May titulo ang video na “Paris Before Rome” kung saan binabanggit ng Islamic State fighter na maglulunsad pa sila ng pag-atakr sa French monuments at sa White House.
Ang isa sa mga fighter ay nagbanta partikular kina US President Barack Obama at French President Francois Hollande.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.