Halos 2,000 gasolinahan sa buong bansa nagpapatupad na ng excise tax sa produktong petrolyo – DOE
Halos dalawang libong gasolinahan na sa buong bansa ang nagpapatupad ng dagdag na excise tax sa presyo ng kanilang produktong petrolyo.
Ayon sa datos ng Department of Energy (DOE) umabot na sa 1,951 mula sa 8,630 na mga gasoline station sa buong bansa ang nagpapatupad ng excise tax.
Base sa datos, sa nasabing bilang ang Caltex ng may pinakaraming gasolinahan na nagpapairal na ng excise tax na nasa 749.
603 na gasoline stations naman ang Shell, 371 ang sa Petron, 142 ang sa Phoenix Petroleum at 86 ang sa Flying V.
Ang nasabing mga gasoline station ay nagpatupad n ang excise tax matapos na maubos na ang kanilang 2018 stocks ng produktong petrolyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.