Sarangani , Davao Occidental niyanig ng dalawang malakas na lindol

By Rose Cabrales January 22, 2019 - 06:59 AM

Nakapagtala ng dalawang pagyanig sa Sarangani sa Davao Occidental ngayong umaga.

Unang naitala ang magnitude 5.1 na lindol sa 249 kilometers Southeast ng bayan ng Sarangani sa lalawigan ng Davao Occidental.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang malakas na pagyanig 12:47 Martes (January 22) ng madaling araw, may lalim na 35 kilometers at tectonic ang origin nito.

Samantala, naitala naman ang magnitude 4.1 na lindol sa 267 kilometers Southeast ng bayan din ng Sarangani sa Davao Occidental, 1:37 Martes ng umaga.

May lalim naman na 33 kilometers ang pagyanig at tectonic ang origin.

Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian, intensities at aftershocks.

 

TAGS: Davao Occidental, earthquake, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, Sarangani, Davao Occidental, earthquake, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, Sarangani

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.