2 hinihinalang holdaper patay sa engkwentro sa QC

By Dona Dominguez-Cargullo January 22, 2019 - 06:46 AM

Police banner
Patay ang dalawang hinihinalang holdaper matapos maka-engkwentro ng mga otoridad sa Quezon City.

Ayon kay Quezon City Police DIstrict director, C/Supt. Joselito Esquivel, isang auto parts store ang nilooban sa Barangay Gulod, Novaliches ng mga suspek.

Kinuha umano ng mga ito ang P18,000 cash, tatlong cellphones mula sa mga bitkima at mamahaling bag.

Nang makaalis na, naisipan ng isa sa mga biktima na i-activate ang application sa kaniyang cellphone upang ma-locate ang kinaroroonan nito.

Doon nila natukoy kung naasaan ang cellphone na agad tinungo ng mga pulis.

Nang madatnan ang mga parating na pulis ay pinaputukan sila ng dalawang suspek dahilan para mauwi sa engkwentro ang insidente.

TAGS: encounter, metro, quezon city, encounter, metro, quezon city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.