Canadian PM Justin Trudeau, nag-enjoy sa Pilipinas

By Kathleen Betina Aenlle November 20, 2015 - 07:55 AM

justin-trudeau-4-1024x642Mala-rockstar na sinalubong ng kaniyang mga fans, staff at mamamahayag si Canadian Prime Minister Justin Trudeau sa International Media Center sa kaniyang press briefing.

Tila ba agad niyang nasapawan ang presensya ni Pangulong Aquino na naunang magbigay ng kaniyang talumpati para opisyal nang tapusin ang Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) summit.

Pagdating kasi ni Trudeau, naghiyawan at nagpalakpakan ang mga tao na ikinagulat naman ng isang Canadian television reporter.

Ngayon lang umano kasi nangyari ang ganoong kainit na pagtanggap na may kasamang paghanga sa pinuno, kaiba sa karaniwang natatamasa nito sa Canada.

Pareho naman ang naramdamang kagalakan ni Trudeau sa Pilipinas.

Aniya, labis niyang ikinatuwa ang kaniyang sandaling pamamalagi sa bansa para sa APEC meeting dahil sa mainit na pagtanggap sa kaniya ng mga Pilipino.

Naging pagkakataon rin ito para maranasan niya ang kulturang nakilala niya sa kaniyang bansa sa pamamagitan ng mga Canadian citizens niyang mula sa Pilipinas.

Ibinahagi pa ni Trudeau ang kaniyang pakikisalamuha sa mga nasa Filipino community sa Canada.

Isa aniyang malaking karangalan ang mabisita at matunghayan ang magandang bansang pinagmulan at kinalakhan ng karamihan sa mga mamamayan sa Canada.

Kasama si Mexican President Enrique Peña Nieto, tinaguriang “APEC hottie” si Trudeau sa social media at “sexiest man in the free world” sa ilang mga polls.

Nagpasalamat si Trudeau sa paghanga sa kaniya ng publiko, ngunit hiniling din niya na sana ay mas pagtuunan ng pansin ang kaniyang “substance” at hindi lang ang kaniyang pisikal na katangian.

Ang 43-anyos na pinuno ay anak ng yumaong dating Canadian Prime Minister Pierre Elliott Trudeau.

TAGS: Prime Minister Justin Trudeau, Prime Minister Justin Trudeau

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.