Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara ang panukala upang buwagin ang Road Board na nauna nang inirecall matapos aprubahan sa ikatlong pagbasa.
Sa botong 180 na Yes at walang pagtutol, lumusot ang panukala para buwagin ang Road Board.
Kapag naging batas ang panukala ilalagay na sa General Fund ang nakolektang P45 Billion mula sa Motor Vehicles Users Charge (MVUC) o road users tax na nakapaloob sa 2019 budget.
Ang nasabing halaga ay gagamitin para sa repair, rehabilitation at reconstruction ng mga kalsada, tulay, drainage systems gayundin sa mga naapektuhan ng kalamidad.
Nauna ng sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Camarines Sur na maaring gagamitin niya ang pondo ng road board sa Region 5 na nabiktima ng Bagyong Usman.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.