Dagdag na pondo sa Dept. Of Agriculture tiniyak ni GMA

By Erwin Aguilon January 21, 2019 - 06:31 PM

Inquirer file photo

Pinasisiguro ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo na madaragdagan ng P20 Billion ang panukalang P123.7 Billion 2019 budget ng Department of Agriculture.

Ayon kay Speaker GMA, inatasan niya ang Kamara na taasan ng P20 Billion ang budget ng DA dahil napansin nito na simula noong siya ay pangulo ay patuloy ang pagbaba ng budget ng kagawaran.

Dapat anyang masiguro ang pagtaas sa budget ng DA upang makatulong na maipatupad ang mga proyekto nito.

Partikular anya rito ang pagpapataas ng produksyon ng mga magsasaka na kailangan upang makontrol ang inflation.

Binigyang diin pa ni Arroyo na malaki ang correlation ng alokasyon sa budget para matiyak ang paglago at implementasyon ng mga proyekto ng isang sektor.

TAGS: Arroyo, Budget, Congress, Department of Agriculture, palay, Arroyo, Budget, Congress, Department of Agriculture, palay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.