Pagbaba sa age of criminal liability aprub sa Malacañang

By Chona Yu January 21, 2019 - 06:23 PM

Sapat na para sa Malacañang na ibaba sa siyam na taong gulang ang criminal liability ng mga batang nasasangkot sa iba’t ibang krimen.

Pahayag ito ng palasyo matapos makalusot sa committee level sa Kamara ang panukalang batas na gawing siyam na taong gulang sa halip na labing limang taong gulang ang criminal liability ng mga bata.

Paliwanag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, dahil sa makabagong teknolohiya ngayon, batid na o marunong na ang mga bata na sumuri sa kung ano ang tama o maling gawain.

Una rito sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na nais niyang amyendahan ang Juvenile Act o ang labing limang taong gulang na batang pataas lamang ang dapat na maging criminal liable kung saan si Senador Kiko Pangilinan ang may akda.

Gayunman, hindi na tinukoy ng pangulo kung anong partikular na edad nais niyang papanagutin sa batas ang mga bata.

TAGS: age of criminal liability, Congress, Malacañang, age of criminal liability, Congress, Malacañang

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.