Mayorya ng mga senador pabor na ibaba ang age of criminal liability
Karamihan ng mga Senador ang pabor sa pagbaba ng edad ng criminal liability ng mga kabataan mula sa kasalukuyang 15 anyos.
Pero sinabi ni Senate President Vicente Sotto III na kung ang edad ng pananagutan ng kabataan sa krimen ay dapat ibaba sa 9 anyos o 12 anyos ay ibang bagay.
Mahalaga anya na lahat ng Senador ay nagkakasundo na dapat ibaba ang edad ng pananagutan ng kabataang lumabag sa batas.
Kumpyansa si Sotto na mayorya ng mga Senador ang pabor sa pagbaba ng age of criminality.
Gayunman, hindi tanggap ni Sotto ang inaprubahan ng Kamara na 9 anyos na edad ng pananagutan.
Sa nakabinbin na katulad na panukala ni Sotto, ang edad na may pananagutan ang kabataan sa krimen ay 12 anyos pataas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.