Panukala para ibaba ang age of criminal liability maipapasa pa ng 17th Congress ayon kay Rep. Leachon

Inquirer Photo / Richard Reyes

Tiwala si House Justice Committee chairman Doy Leachon na maipapasa ng Kamara ang panukala na nagpapababa ng age of criminal liability.

Ayon kay Leachon, kaya pa nilang maipasa sa ikatlo at huling pagbasa ang panukala bago matapos ang 17th Congress.

Ngayon anya ay inihahanda na nila ang committee report na ipapadala sa Committee on Rules.

Handa rin anya siya na depensahan ang panukala sa plenaryo ng Kamara bukas o sa miyerkules.

Bukas din anya sila sa mga isyu na maaring ilatag ng kanilanng mga kasamahan sa Kamara.

Read more...