Bagyong Amang napanatili ang lakas; ilang bahagi ng Bicol isinailalim na signal #1

By Dona Dominguez-Cargullo January 21, 2019 - 11:21 AM

Napanatili ng Bagyong Amang ang lakas nito habang nasa bahagi ng Eastern seaboard ng Eastern Samar.

Sa 11:00AM weather bulletin ng PAGASA ang bagyo ay huling namataan sa 40 kilometers North Northeast ng Guiuan, Eastern Samar o 45 kilometers East Southeast ng Borongan City, Eastern Samar.

Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 60 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 10 kilometers bawat oras sa direksyong pa-Hilaga.

Nakataas ang public storm warning signal number 1 sa sumusunod na lugar:

– Sorsogon
– Masbate
– Ticao Island
– Northern Samar
– Eastern Samar
– Samar
– Biliran
– Leyte

Ayon sa PAGASA, ang bagyo ay maghahatid ng katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan sa Eastern Vosayas at Bicol Region.

Bukas, makararanas din ng malakas na pag-ulan ang Eastern Visayas, Catanduanes, Albay, Sorsogon at Masbate.

Pinag-iingat ng PAGASA amg mga residente sa nabanggit na mga lugar hinggil sa posibilidad ng pagbaha at landslides.

TAGS: AMANG, Pagasa, Tropical Depression, weather, AMANG, Pagasa, Tropical Depression, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.