Ika-112 na bata na hinihinalang nasawi sa Dengvaxia, naitala ng PAO

By Ricky Brozas January 21, 2019 - 09:23 AM

FB Photo

Habang naghihintay ang Public Attorney’s Office sa desisyon ng Department of Justice patungkol sa unang batch ng kasong kriminal laban sa mga dating opisyal ng Department of Health at mga kasalukuyang opisyal nito na nasa likod ng pagbili ng bakunang Dengvaxia ay patuloy naman na nadaragdagan ang mga namamatay na nainiksiyunan nito.

Sa pinakahuling report ng Forensic Division ng PAO, binawian ng buhay ang 13-anyos na si Jerico Azugue matapos na isugod sa ospital makaraang lagnatin at dumanas ng iba pang senyales ng dengue.

Ang batang Azugue ang ika-112 kaso ng pagkamatay na hinihinalang may kaugnayan sa Dengvaxia. Nasawi ang bata noong January 18, 2019.

Isa si Azugue ay nabakunahan ng Dengvaxia noong June 21 2016, March 2 2017 at September 26 2017.

Ayon sa record, hindi pa nakararanas ng dengue ang biktima nang isalang sa mass vaccination noong kapanahunan ni dating Heath Secretary Janet Garin.

Sa pagsusuri ng forensic team ng PAO sa pangunguna ni Dr. Erwin Erfe, nagkaroon ng multiple organ enlargement at pagdurugo ng mga internal organ kasama na rito ang utak.

Nanindigan ang mga forensic expert na dengvaxia ang sanhi ng pagkamatay ng bagong biktima lalo na at iisa lamang ang kanilang findings at resulta ng pag-aaral sa 111 na kanilang sinuri.

Kaugnay nito, umaasa ang PAO na sa lalong madaling panahon ay makapagpalabas na ng resolusyon ang DOJ panel of prosecutors na nagsagawa ng preliminary investigation sa kaso na nagtapos noong Disyembre 2018.

TAGS: Dengvaxia, Health, PAO, radyo inqurier, Dengvaxia, Health, PAO, radyo inqurier

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.