2 arestado matapos mahulihan ng baril sa Makati

By Dona Dominguez-Cargullo January 21, 2019 - 08:33 AM

Arestado ang dalawang lalaki matapos makuhanan ng mga armas sa Makati City.

Nahuli ang dalawang nagpakilalang driver ng rent-a-car na tinangka pang tumakas at itapon ang mga dala nilang baril sa bahagi ng Brgy. Pio Del Pilar.

Nakuha mula sa dalawang suspek ang isang 9mm at isang replika ng caliber 45 na baril.

Nakita sa loob ng dala nilang SUV ang iba’t ibang mga plaka ng sasakyan, bonnet, duct tape at hoodie.

Nang busisiin din ang sasakyan, nakitang madaling matanggal at mapalitan ang plaka nito at ang numero ay iba sa nakasaad sa conduction sticker.

Depensa naman ng dalawang suspek, iniabot lang umano sa kanila ang baril ng isang Korean na umarkila sa kanila para ipagmaneho nila sa Maynila at sa Pampanga.

Anila, mayroong kinitang Chinese National ang naturang dayuhan sa Makati City at doon sila iniwan ng Koreano.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya laban sa dalawang suspek.

TAGS: Makati, Pio del Pilar, Radyo Inquirer, Makati, Pio del Pilar, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.