Dalagita sugatan matapos saksakin ng holdaper sa Pasig City

By Dona Dominguez-Cargullo January 21, 2019 - 07:42 AM

Sugatan ang isang 16 anyos na dalagita matapos siyang pagsasaksakin ng isang holdaper sa Pasig City.

Kwento ng dalagita, naglalakad siya kasama ang kaniyang kabigan sa Westbank Road sa Barangay Rosario nang harangin sila ng tatlong suspek.

Pilit umanong kinuha ng mga ito ang kaniyang cellphine pero nagmatigas ang biktima kaya sinaksak siya ng isa sa mga suspek.

Nakilala naman ng biktima ang isa sa mga suspek na aniya ay kanilang kapitbahay.

Ginagamot ngayong sa ospital ang biktima na nasa ligtas naman nang kondisyon.

TAGS: holdup incident, metro, Pasig City, holdup incident, metro, Pasig City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.