Bahay ng hukom sa Cotabato City, pinasabugan ng granada

By Dona Dominguez-Cargullo January 21, 2019 - 06:41 AM

Isang gabi bago ang pormal na pagbubukas ng plebisito para sa Bangsamoro Organic Law isa na namang pagsabog ang naganap sa Cotabato City.

Dalawang suspek na sakay ng motorsiklo ang naghagis ng granada sa bahay ni Judge Angelito Rasalan sa Barangay Rosary Heights sa Cotabato City dakong alas 9:00 ng gabi ng Linggo.

Ayon kay Rasalan, nadinig niyang may bumagsak sa kaniyang bubong na sunundan agad ng dalawang malakas na pagsabog.

Wala namang nasaktan sa insidente.

Sinabi ni Cotabato Station 2 commander Chief Insp. Efren Salazar na-recover nila sa lugar ang isang safety pin at grenade lever.

Naniniwala naman si Rasalan na ang pag-atake ay bunsod ng kaniyang pagtutol sa pagsasama sa Cotabato City sa Bangsamoro Autonomous Region.

TAGS: BOL, Cotabato City, grenade explosion, Judge, BOL, Cotabato City, grenade explosion, Judge

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.