Heavy rainfall warning itinaas ng PAGASA sa ilang lalawigan sa Visayas

Nakataas ang heavy rainfall warning sa mga lalawigan sa Visayas dahil sa tuluy-tuloy na malakas na buhos ng ulan na nararanasan dahil sa Bagyong Amang.

Sa inilabas na heavy rainfall warning ng PAGASA, alas 5:00 ng umaga, itinaas angyellow warning level sa Northern Samar.

Alas 5:30 naman ng itaas na rin ang yellow warning level sa Samar at Eastern Samar.

Nagbabala ang PAGASA sa mga residente sa mga apektadong lugar na maari silang makaranas na ng pagbaha at landslides.

Samantala, mahina hanggang sa katamtaman at kung minsan ay malakas na pag-ulan naman ang nararanasan sa Camarines Norte, Camarines Sur, Albay, Sorsogon, Catanduanes, Masbate kabilang ang Ticao at Burias Islands.

Read more...