Bagyong Amang papalapit na sa Southern Leyte area; Signal number 1 nakataas sa siyam na lugar sa bansa

By Dona Dominguez-Cargullo January 21, 2019 - 05:23 AM

Papalapit na sa Southern Leyte area ang bagyong Amang habang siyam na lugar sa bansa ang nananatiling nakasailalim sa public storm warning Signal number 1.

Base sa 5AM weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 70 kilometers East Northeast ng Maasin City sa Southern Leyte.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 60 kilometers bawat oras.

Nakataas ang public storm warning signal number 1 sa sumusunod na lugar:

– Eastern Samar
– Samar
– Biliran
– Leyte
– Southern Leyte
– Eastern Bohol
– Northern Cebu
– Surigao del Norte
– Dinagat Islands

Ayon sa PAGASA, ang bagyong Amang ay maghahatid ng katamtaman hanggang sa malalakas na buhos ng ulan sa Eastern Visayas, Central Visayas at Bicol Region ngayong araw.

Habang bukas, araw ng Martes, malakas na buhos ng ulan pa rin ang mararanasan sa Eastern Visayas, Catanduanes, Albay, Sorsogon at Masbate.

TAGS: AMANG, Pagasa, Radyo Inquirer, weather, AMANG, Pagasa, Radyo Inquirer, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.