Mga Pinoy sa US, pinag-iingat ng DFA sa winter storm
Pinag-iingat ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Pilipinong nakatira sa Amerika, partikular sa Midwest at Northeast region, dahil sa winter storm.
Sa inilabas na pahayag, sinabi ng DFA na posibleng tumindi ang lagay ng panahon sa weekend, araw sa Amerika.
Inaasahan kasing lalakas ang pagbuhos ng snow at yelo na may kasamang mabigat na buhos ng ulan sa hilagang bahagi ng bansa.
Patuloy na tinututukan ng kagawaran ang sitwasyon sa naturang bansa.
Babala pa ng DFA, maaaring maapektuhan ng winter storm ang ilang parte ng New Jersey, southern Connecticut at southeast New York.
Inabisuhan na ng Philippine Consulate General sa New York ang Filipino community na maging maingat, iwasang bumiyahe at tutukan ang weather developments sa kanilang lugar.
Tiyakin din anilang mayroong sapat na suplay ng pagkain.
Sakaling kailanganin ng tulong, maaaring tumawag sa 917-294-0196 at 917-239-4118.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.