Jolo, Sulu niyanig ng magnitude 4.7 na lindol; Intensity II, naramdaman sa 2 lalawigan
By Angellic Jordan January 20, 2019 - 05:14 PM
Tumama ang magnitude 4.7 na lindol sa Sulu, Linggo ng hapon.
Sa datos ng Phivolcs, naitala ang episentro ng lindol sa layong 91 kilometers Southeast ng Jolo dakong 3:47 ng hapon.
May lalim itong 34 kilometers at tectonic ang origin.
Dahil dito, naramdaman ang intensity 2 sa Zambaoanga City at Jolo Sulu.
Gayunman, walang napaulat na pinsala sa mga ari-arian sa lugar.
Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.