Pagdaraos ng 2019 Sinulog grand parade, ‘generally peaceful’

By Angellic Jordan January 20, 2019 - 04:16 PM

PHOTO BY: MARC COSEP/CDN

Sa kabila ng mabagal na pag-usad, “generally peaceful” ang pagdaraos ng 2019 Sinulog grand parade ngayong taon.

Ayon kay Chief Supt. Debold Sinas, director ng Police Regional Office sa Central Visayas (PRO-7), naka-deploy ang mga pulis sa ruta ng parada tatlong oras bago ang pagsisimula nito.

Hindi nagsimula ang parada sa itinakdang oras.

Ani Sinas, wala siyang ideya kung bakit hindi agad nakapagsimula ang parada ngunit agad naman aniyang nakahanda ang pulisya.

Kapansin-pansin din aniya ang mabagal na pag-usad ng street dancing simula nang buhos ng ulan sa lugar bandang 10:00 ng umaga.

Ang pag-uulan ay dala ng Bagyong Amang na nakakaapekto sa bahagi ng Visayas at Mindanao.

Tiniyak naman ni Sinas na patuloy na babantayan ang parada hanggang matapos mamayang 5:00 o 6:00 ng gabi.

TAGS: 2019 Sinulog grand parade, PRO-7, 2019 Sinulog grand parade, PRO-7

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.