Lalaki, arestado sa pagbebenta ng pekeng Sinulog grand parade tickets

By Angellic Jordan January 20, 2019 - 03:53 PM

Inquirer file photo

Arestado ang isang lalaki dahil sa pagbebenta ng pekeng identification cards (ID) at complimentary tickets sa huling presentasyon ng Sinulog grand parade sa Cebu City Sports Center (CCSC) grandstand, Linggo ng umaga.

Ayon kay Senior Supt. Royina Garma, director ng Cebu City Police Office (CCPO), nahuli sa akto ng mga elemento ng Fuente Police Station ang pagbebenta ng suspek na si Hannibal Soccoro ng pekeng ID sa halagang P700 hanggang P800 kada isa.

Ang tunay na halaga ng CCSC ticket ay mula P1,000 hanggang P3,000.

Ayon mismo sa suspek, nabili nito ang mga pekeng ticket sa hindi pinangalanang source sa halagang P500.

Nakita naman ng Sinulog organizers ang mga pekeng ticket sa entrance booth.

Sa ngayon, nakadetine si Soccoro sa Fuente Police Station.

Ani Garma, mahaharap ang suspek sa kasong may kinalaman sa pagbebenta ng mga pekeng dokumento.

TAGS: CCPO, CCSC grandstand, Sinulong 2019, CCPO, CCSC grandstand, Sinulong 2019

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.