Mga senador, nagparating ng pagbati kay Pacquiao

AP photo

Nagparating ng pagbati ang mga kapwa-senador ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao matapos natalo si Adrien Broner via unanimous decision.

Sa inilabas na pahayag, pinuri ni Senador Juan Miguel Zubiri ang aniya’y “superhuman strength at superhuman heart” ni Pacquiao.

Pinatunayan aniya ni Pacquiao na siya ang “Champion of the ages” sa kaniyang dalawa’t kalahating dekadang boxing career.

Sa edad na 40, ipinamalas aniya ni Pacman ang hard work, dedication at pagpapamahal sa Panginoon.

Dagdag pa nito, tunay na inspirasyon si Pacquiao hindi lamang sa mga Pilipino kundi maging sa buong mundo.

Samantala, sinabi naman ni Senadora Nancy Binay na nananatiling bayani sa puso ng mga Pilipino si Pacquiao.

Read more...