Malakanyang, binati si Pacquiao sa pagkapanalo vs Broner

By Angellic Jordan January 20, 2019 - 03:09 PM

Binati ng Palasyo ng Malakanyang si Senador Manny Pacquiao para sa pagkapanalo kontra kay American boxer Adrien Broner.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na nakikiisa ang Palasyo sa pagdiriwang ang mga Pilipino sa matagumpay na pagdepensa sa kaniyang WBA welterweight title.

Sa kabila aniya ng 11 taong agwat sa edad, sinabi ni Panelo na ipinamalas ng Pambansang kamao ang kaniyang tatak na istilo sa boksing sa laban.

Nagpasalamat din ang kalihim sa senador hindi lamang sa pagbibigay ng pagkilala sa ating bansa kundi maging sa muling pagkakaisa ng mga Pilipino sa buong mundo.

Dagdag pa nito, ipinamalas ni Pacman ang kaniyang athleticism, lakas at Filipino pride sa mundo.

TAGS: Adrien Broner, manny pacquiao, Palasyo ng Malakanyang, Sec. Salvador Panelo, WBA welterweight title, Adrien Broner, manny pacquiao, Palasyo ng Malakanyang, Sec. Salvador Panelo, WBA welterweight title

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.