Gym sa GenSan, dinagsa ng mga manonood para sa Pacman-Broner fight

January 20, 2019 - 02:18 PM

Dinagsa ng mga residente ang General Santos Gymnasium para sa libreng viewing ng bakbakan nina Manny Pacquiao at Adrien Broner sa Las Vegas, USA.

3,000 tickets ang ipinamahagi ng pamahalaang lokal para makanood ng boxing match.

Nakakalat ang ilang pulis, sundalo at civil security unit para mapanatili ang kaayusan sa naturang gymnasium.

Ayon kay Chief Insp. Peter Pinalgan, pinagbawalan ang pagpapasok ng matatalim na bagay, back pack at baril sa gym.

Maliban sa General Santos, nag-organisa rin ng free viewing para sa 1,000 katao sa katabing bayan ng Sarangani.

Sa ngayon, idinedepensahan ng Pambansang kamao ang kaniyang World Boxing Association belt kontra sa American boxer.

TAGS: Adrien Broner, General Santos, manny pacquiao, Adrien Broner, General Santos, manny pacquiao

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.